COVID cases patuloy sa pagsirit 26 SAF MEMBERS KONTRA PASAWAY SA DAVAO CITY

DAVAO City – Dalawampu’t anim na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police ang ipinakalat sa iba’t ibang parte ng lungsod.

Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO), ito ay dagdag-pwersa upang makatulong sa pagpapatupad ng mga protocol ng Inter-agency Task Force on COVID-19 lalo pa’t isinailalim sa kasalukuyan sa general community quarantine (GCQ) ang buong lugar.

Bukod sa 26 SAF members, may 48 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ang tumutulong sa pagbabantay sa lungsod.

Sinabi ni DCPO Director Police Col. Kirby John Kraft, magtutulungan din ang mga awtoridad sa paglaban sa COVID-19 upang mabawasan ang bilang ng mga nadapuan nito.

Matatandaan, makailang beses na nanguna ang lungsod sa buong bansa sa may pinakamaraming bilang ng mga tinamaan ng virus. (DONDON DINOY)

198

Related posts

Leave a Comment