Nang makakita ng parak AMOK NAGSAKSAK SA SARILI

NAGSAKSAK sa sarili ang isang lalaking nagwala at naghamon ng away habang armado ng patalim, nang makita ang nagrespondeng mga pulis nitong Linggo ng umaga sa Malabon City.

Itinakbo sa Tondo Medical Center ang suspek na si John Rey Vasquez, 20, ng Flovi Homes 1, Brgy. Tonsuya.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang magresponde ang mga pulis dahil sa tawag ng isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking nagwawala sa Flovi Homes 1.

Inabutan ng mga alagad ng batas si Vasquez na nag-aamok habang may hawak na patalim ngunit nang mamataan nito ang mga pulis ay lalo itong napraning at tinarakan ang sarili.

Dinaluhong ng mga parak si Vasquez, inagaw ang patalim saka inaresto at isinugod sa naturang pagamutan.

Kasong illegal possession of deadly weapon at alarm and scandal ang haharapin ni Vasquez. (ALAIN AJERO)

304

Related posts

Leave a Comment