MGA PALAISDAAN SA BATANGAS SARADO MUNA

BATANGAS-Pansamantala muling isasara ang mga palaisdaaan sa mga bayan ng Talim, Nasugbu, Balayan at Tayabas simula Disyembre 6 hanggang Pebrero 6, 2021 upang hayaang mangitlog at maparami ang mga isda rito.

Ayon kay Batangas Governor Dodo Mandanas, napagkasundaan ito ng lalawigan ng Batangas, environment groups, government agencies at sektor ng agrikultura at pangingisda.

Makikinabang rin dito ang mga mangingisda sa lawa.

Nais ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Stock Assessment Program na maipagpatuloy ang pagsasara upang madagdagan ang mahuhuling isda kumpara noong mga nakaraang taon.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng basnig, pukutan (pukot, or paipot) and fine nets sa pangingisda.

Ang mga lalabag sa nasabing ordinansa at batas ay papatawan ng kaukulang parusa. (CYRILL QUILO)

157

Related posts

Leave a Comment