HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang hindi kilalang lalaki na binaunan ng bala sa dibdib sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng gabi.
Ang biktimang si alyas “Albert,” may gulang na tinatayang 35 hanggang 40-anyos ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya,
Batay sa ulat nina Det. Jansen San Pedro at Det. Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-11:00 ng gabi nang barilin ng hindi kilalang suspek ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)
271
