ABC PRESIDENT NILIKIDA NG TANDEM

GEN. SANTOS City – Dead on the spot ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Glan Padidu, sa bayan ng Glan sa Sarangani province makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Lagao sa lungsod na ito.

Ayon sa General Santos Police Office, lulan ng kanyang motorsiklo si City Councilor Isidrito Cañete nang pagbabarilin ng hind kilalang mga suspek.

Kabilang sa mga anggulong tinututukan ng pulisya sa krimen ay may kaugnayan sa ilegal na droga dahil kabilang ang biktima sa Inter-Agency Drug Information Database (IDID). (JESSE KABEL)

130

Related posts

Leave a Comment