BATANG BABAE, NALUNOD SA ILOG

QUEZON – Nalunod ang isang batang babae nang maligo sa ilog kasama ng mga kaibigan sa Tayabas City noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Tayabas City Police ang biktimang si Trixie Jane Lucia Maraig, 10-anyos, taga Barangay Wakas.

Batay sa report ng pulisya, kasama ang mga kaibigan, napagkatuwaan ng mga ito na maligo sa ilog na sampung talampakan ang lalim.

Nakita umano ng mga kaibigan na tumalon ang biktima at napunta sa malalim na bahagi ng ilog ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi na lumitaw.

Nagsagawa agad ng rescue operation ang mga opisyal ng barangay at mga kaanak ng biktima na pagkaraan ay natagpuan sa ilalim ng ilog.

Isinugod ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (NILOU DEL CARMEN)

 

281

Related posts

Leave a Comment