LEACHON NAMUMURO KAY DIGONG – ROQUE

HINDI na natutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga banat at kritisismo na ibinabato ni Dr. Anthony Leachon, dating adviser ng National Task Force against COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, makailang beses nang minura ni Pangulong Duterte si Leachon sa kanyang speeches subalit ine-edit lamang sa oras na inere na ang video.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay matapos kuwestiyunin ni Leachon ang desisyon ng pamahalaan na iprayoridad ang coronavirus vaccines mula sa mga kumpanya na hindi pa nakapagpo-produce ng sapat na “efficacy and safety data.”

“Na-edit lang po sa mga talk to the people pero ang daming beses na po kayong namura ng presidente. Kasi ang sabi niya, kung anu-ano sinasabi mo iyon pala nagnanais ka lang ng posisyon sa gobyerno,” ayon kay Sec. Roque.

“Next time po murahin kayo ni Presidente I will insist that it will be shown to the people. Baka akalain niyo natutuwa ang presidente sa inyo? Hindi po,”dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa kabilang dako, pumiyok naman si NTF chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na siyang kumuha kay Leachon ilang buwan na ang nakalilipas na napakahirap makatrabaho ang isang doktor.

“Sa NTF nagsama po kami, mahirap po siyang kasama. May sariling mundo,” giit ni Galvez. (CHRISTIAN DALE)

295

Related posts

Leave a Comment