AMANDA Echanis at 7 Militante na arestado dahil sa illegal possession of firearms Magkatugma ang Alibi?
Si Amanda Echanis na sinasabing peasant organizer mula sa Cagayan at ang 7 militanteng naaresto nitong nakalipas na linggo dahil sa kasong paglabag sa RA 10561 o ang batas na nagpaparusa sa mga taong ilegal na nag-iingat ng mga baril at pampasabog ng walang kaukulang permiso.
Bakit kaya nagkapareho sila ng alibi na diumanoy planted daw yung mga armas na nakumpiska sa kanila, nag-usap kaya ang mga ito bago pa man sila naaresto?
Kayo naman paratangan pa ninyo ng planted of evidence ang PNP, yung mga posisyon ninyo lang sa inyong organisasyon ay patunay lang yon na mayroon kayong kapabilidad na mag-ingat ng mga ganoong sandata.
Isa pa, paano ilalagay ng mga pulis yung santambak na Armalite boastmaster at mga granada at short firearms na nakuha sa inyo eh daang libong piso ang presyo noon na hindi naman makukuha ng mga pulis yon dahil yon ay ebidensya na ipepresenta sa korte?
Hayan na naman yung mga linya ninyo kapag nahuhuli mga kasamahan ninyo sasabihin ninyo na puro gawa-gawang mga kaso at mga ebidensya ang ipinaparatang laban sa inyo, ano ba yan!?
Ito po yung nakuha kay Amanda Echanis nang maaresto. Sinasabing ang kanyang mister ay isang sub commander ng New Peoples Army (NPA) sa Cagayan Valley.
1 unit M16 ARIS Colt 5.56mm assault rifle with SN 4951346; 1 long plastic magazine for M16 rifle; 1 long steel magazine for M16 Rifle; 20 live ammunitions for M16 Rifle; 1 hand grenade with marking 0689; 1 hand grenade with markings frag MK2 with Lot No.p-4-105-78.
Tapos sasabihin ninyo planted ang lahat ng mga yan???
Ganoon din doon sa pitong arestadong militante nito lamang nakalipas na linggo lamang na diumanoy mga planted daw yung mga nakumpiskang ibat ibang mga matataas na kalibre ng baril gayun din ng mga granada.
Bakit ba ayaw ninyo ng kapayapaan para sa ating bayan? Dipa ba kayo sawa sa ganitong sitwasyon na kayo yung ginagawang pangbala sa kanyon ng inyong mga higher ups.
Sila pasarap sarap lang sa buhay at ang mga anak nila ay nag-aaral sa exclusive schools at yung iba sa ibang bansa pa samantalang ang mga anak ninyo sa public school lang na hindi na nga ninyo nabibigyan ng baon man lamang.
Kayo ang nagsasakripisyo, nagugutom sa kagubatan at ni halos walang makain samantalang sila na nandito sa siyudad ay ang sasarap ng kinakain at ang mga tinutulugang silid ay aircondition at mayroong malambot na higaan samantalang kayo na isinusubo ninyo ang inyong buhay dahil sa umanoy “adhikain na wakasan na ang kabulukan ng pamahalaan” ay parang mga daga na walang permanenteng lunggang masusulingan.
Bakit nga ba di ninyo yan nakikita?
Nakapanghihinayang yung mga talino ninyo na kaya lang kayong paikutin ng mga taong ang tunay na adhikain ay pabagsakin ang pamahalaan upang sila ang mamayagpag at kayo ay balewala at mababaon sa limot?!
Gising na mga kasama huwag na kayong pabola sa mga taong yan dahil kung totoong sila’y inyong kakampi, bakit di nila pasamahin ang mga anak nila sa inyong pinaniniwalaan at mag armas din at umakyat sa kagubatan upang kayo ay samahan o kaya’y sila mismo ang mag-armas ng kanilang sarili para magpatibay ng kanilang paninindigan.
