4 PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS

SOUTH COTABATO – Bumulagtang walang buhay ang apat katao, kabilang ang tatlong mga suspek, habang sugatan naman ang isang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary (CAA) matapos na manlaban sa ikinasang law enforcement operation ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Sumbakil, sa bayan ng Polomolok sa lalawigang ito, noong Linggo.

Kinilala ang mga napatay na target ng warrant of arrest sa kasong murder na si Tho Catacutan at dalawa pang mga kasamahan nito na hindi pa nakikilala, at ang ‘guide’ na kinilalang si Leonardo Gatinao, habang sugatan naman ang CAA na si Aldrin Jay B. Palma.

Nanlaban umano ang tatlo nang isilbi ng pinagsanib na pwersa ng 5th Special Forces Battalion at mga tauhan ng Polomolok Municipal Police, ang warrant of arrest sa mga suspek.

Isinugod ang mga ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (BONG PAULO)

142

Related posts

Leave a Comment