PALABOY GINAHASA, TINADTAD NG SAKSAK

LAGUNA – Tinadtad ng saksak ang isang babaeng palaboy na may kapansanan sa pag-iisip, makaraan umano itong gahasain sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilalala ng Biñan Police ang biktimang si Rosalie Amatorio, 40, naninirahan sa Barangay Malaban.

Ayon sa report ng pulisya, nadiskubre ng isang street sweeper ang halos hubad na katawan ng biktima sa tabi ng basketball court sa nasabing barangay dakong alas-8:00 ng umaga.

Wala itong pang ibabang saplot at halos nakahubad na rin ang pang itaas na damit at nakalantad ang maselang bahagi ng katawan.

May mga tama ito ng saksak sa katawan na posibleng ikinamatay nito.

Ayon sa pulisya, maaaring pinagtripang gahasain ang biktima ng hindi pa kilalang suspek at pinagsasaksak. (NILOU DEL CARMEN)

204

Related posts

Leave a Comment