DAGDAG PHILHEALTH CONTRIBUTION, HINAHARANG

ANIM na senador ang nangunguna sa aksyon upang harangin ang 3.5-percent increase sa kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) premium ngayong taon.

Inihain ni Senador Grace Poe, katuwang ang mga co-authors na sina Senators Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Nancy Binay at Sherwin Gatchalian ang Senate Bill No. 1968 upang suspindehin ang dagdag singil.

“It’s simply inhumane to apply an increase in contributions for healthcare services when we are right in the middle of a health crisis. Especially since there are many irregularities that PhilHealth hasn’t answered for yet,” saad ni Poe.

Ipinaalala ng mga senador na ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang mabunyag ang sinasabing katiwalian sa Philhealth.

“Universal healthcare is the dream for every Filipino. At a time when we need it the most, it’s unsettling to think that there are a few who are benefiting from the misery of many,” diin ni Poe.

“Our goal is still to achieve universal healthcare for every Filipino. We’re just hitting the pause button for now because we can’t justify taking more from our countrymen and women who have experienced salary cuts already,” Poe said.

Naghain din si Senador Imee Marcos ng Senate Bill No. 1966 upang ipagpaliban sa 2022 ang dagdag singil.

“Good intentions need to be backed up by an amendment to the law,” saad ni Marcos.

Umaasa naman si Senador Villanueva na mas mabibigyang pansin ang kanilang mga panukala kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na ipagpapaliban ang pagpapatupad ng batas.

“Tiwala po tayo na mas mabibigyan prayoridad ito ng Senado sa nalalapit na pagbukas ng session ngayong nagpahayag ng suporta ang Pangulo sa hakbang na ito,” diin ni Villanueva.

“Ang hiling po natin sa pangulo ay isama na rin po sa kanyang panawagan ang ating Senate Bill No. 1965 na nagpapatigil pansamantala sa pagtaas ng SSS contribution ngayon taon. Malaking tulong po ito para sa ating mga manggagawa at mga employer na nagsusumikap bumangon sa epekto ng pandemya,” giit ni Villanueva. (DANG SAMSON-GARCIA)

141

Related posts

Leave a Comment