Kaya agad inembalsamo DACERA INAKALANG POSITIBO SA COVID

MAY polisiya na iniembalsamo muna ang mga namatay na COVID-19 positive bago magsagawa ng autopsy.

Ito ang paliwanag ni National Capital Region Police Office Director P/BGen. Vicente Danao Jr.

Inakala aniyang COVID-19 positive si Angelica Christine Dacera makaraang mamatay sa City Garden Hotel kaya agad ipinatupad ang pag-eembalsamo.

“Pandemic po tayo ngayon. We have a policy na nagsasabi, especially pagka-probable or suspected victim ka or the cause of death might be COVID, ang policy pala diyan is mauna ‘yung embalming bago ‘yung autopsy,” sabi ni P/BGen. Danao.

Inakalang naka-quarantine sa City Garden Hotel sa kanto ng Kalayaan Ave. at Makati Ave. sa Makati City ang nasawing flight attendant na si Dacera kaya agad inembalsamo nang matagpuang patay sa bathtub ng Room 2209.

“It is a quarantine facility, okay? So, it is presumed na kapag nandoon ka ay baka nagka-quarantine ka,” dagdag na sabi ni P/BGen. Danao.

Sa aspeto ng re-autopsy, sinabi ng NCRPO director na karapatan ng pamilya Dacera ang paghingi ng autopsy.

“Yun po ang hindi ko alam. That is always their right as the family of the victim. They could always recommend over that and it is now up to the higher authorities to act on it, no?” sabi pa ni P/BGen. Danao. (DAVE MEDINA)

181

Related posts

Leave a Comment