NUEZCA SIBAK NA SA PNP

HINDI na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa double murder case na si Jonel Nuezca.

Ito’y makaraang magpasya na si General Debold Sinas sa kasong administratibo laban kay Nuezca, banggit ni Brig. Gen. Ildebrandi Usana, tagapagsalita ng PNP.

Nakadestino sa Crime Laboratory ng Parañaque si Nuezca nang umuwi ito sa kanilang bahay sa Paniqui, Tarlac kung saan napatay niya ang mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio.

Sa ulo binaril ni Nuezca ang dalawa, batay sa kuhang video sa insidente.
Ito ang dahilan kung bakit tinanggal si Nuezca sa PNP.

Ang ranggo niya ay staff sergeant na bumaba mula sa pagiging master sergeant bilang parusa sa nauna niyang kaso.

Ang double murder case laban sa suspek ay sinimulan nang litisin ng Tarlac Regional Trial Court, Branch 106 (RTC Branch 106).

Nagbigay ng “not guilty” na sagot si Nuezca nang basahan ito ng sakdal sa Tarlac RTC, Branch 106 nitong nakalipas na linggo. (NELSON S. BADILLA)

308

Related posts

Leave a Comment