BATANGAS – Patay ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo nang sumalpok sa kasalubong na truck sa municipal road sa Tanauan City mag-aalas 2:00 ng hapon noong Linggo.
Parehong idineklarang dead on arrival sa ospital si Julius Aro at ang kaangkas nito na si Jesus Benedicto Jr.
Batay sa report ng Tanauan City Police, tinatahak ng dalawa ang alternative road patungo sa Barangay Pantay Matanda nang bumangga ang mga ito sa tagiliran ng kasalubong na Isuzu drop truck na minamaneho ni Jonathan Pupa.
Nag-overtake umano ang motorskilo sa isang sasakyan kaya sinakop nito ang linya ng kasalubong.
Pinilit pang umiwas ng driver ng truck ngunit sumabit din ang dalawa.
Kusang loob namang sumuko ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide. (NILOU DEL CARMEN)
222 