139 NALAMBAT SA SUGAL SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 139 katao ang dinampot ng Cavite police sa iba’t ibang uri ng sugal sa isinagawang anti-gambling operations sa buong magdamag sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), ang mga nahuli ay naaktuhan sa tupada (72), tong-its/Pusoy (32), billiard (15), mahjong (9), cara y cruz (7) at Bingo (4).

Nanguna ang Bacoor City at Indang sa dami ng bilang ng mga dinampot sa tupada na tig-12, sumunod ang Trece Martirez City (9), tig-6 ang Kawit at Naic, habang tig-5 ang Trece Martirez City, Imus at Kawit, sa General Mariano Alvarez ay apat, habang sa Alfonso ay dalawa.

Sa larong tong-its/pusoy, nanguna naman ang Gen. Trias na may pinakamaraming dinampot sa bilang na 13, sumunod ang Damariñas City (9), Cavite City (4), habang sa Naic at Rosario na tig-tatlo.

Sa larong mahjong, siyam naman ang bilang ng mga dinampot sa Cavite City at Rosario habang kabuuang 15 naman ang nakorner sa larong billiard, lima sa Imus City, sa Bacoor City ay apat at tig-tatlo sa Ternate at GMA.

Pito naman ang dinampot sa larong cara y cruz sa Dasmariñas City, habang 4 katao ang binitbit sa larong binggo sa Gen. Trias City. (SIGFRED ADSUARA)

777

Related posts

Leave a Comment