4 ARESTADO SA ESTAFA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni P/Major Elmer Monsalve, ang apat na mga suspek sa kasong estafa sa entrapment operation sa Brgy. Payatas A, Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Danilo Macerin ang mga suspek na sina Mary Jane Duran, 47; Rachel Nicolas, 48; Elizabeth Payod, 53, at Jojie Montalban, 48, pawang naninirahan sa nasabing lungsod.

Ayon sa report, pitong complainant ang personal na pumunta kay QCPD P/BGen. Macerin para humingi ng tulong matapos silang maloko umano ng mga suspek ng mahigit sa P2,000,000 kapalit ang pangakong malaking interest ng kanilang pera ngunit hindi ito natupad.

Bunsod nito, naglatag ng entrapment operation ang mga operatiba ng CIS dakong alas-11:00 ng gabi noong Enero 11 sa mga suspek sa Lower Extension, Brgy. Payatas A, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. (JOEL O. AMONGO)

123

Related posts

Leave a Comment