37O cases mula 2020 hanggang Enero 8 NARESOLBA NA NG BUREAU OF CUSTOMS

Bilang pagpapahalaga sa transparency at pagbibigay ng impormasyoon sa publiko, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) – Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), sa pamamagitan ng Legal Service, ang kasong naresolba na at nasampahan ng mga importers, brokers at employees.

Para sa CY-2020 hanggang January 8, 2021, ang kabuoan ay ‘370 cases on appeal’ na ­naresolba ng BOC sa pamamagitan ng Legal Service.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng ‘abandonment proceedings, seizure and forfeiture cases, determination of probable cause proceedings, and protests’.

Para sa parehong panahon, ang kabuuang 127 cases na naisampa ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa importers at customs brokers para sa paglabag sa RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at ibang batas.

Ang 75 criminal cases laban sa ibat-ibang importers ay isinampa sa DOJ, habang 52 administrative cases ang nakasampa laban sa customs brokers sa Philippine Regulatory Commission (PRC).

Karagdagan nito, kabuuang 48 disciplinary administrative cases ang isinampa laban sa Customs Employees mula 2019 hanggang 2020.

Labing walong (18) sa mga ito ay transmitted na sa Office of the Ombudsman.

Para sa CY-2020, 11 cases na ang naresolba, 17 ay para resolution, at 11 cases ay nasa ilalim ng formal investigation.

Ang Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay nananatili sa kanilang pangako na ipatupad ang Customs Laws bilang pagpapalakas ng kanilang border security na pagsisikap para sa taong 2021.
(Joel O. Amongo)

143

Related posts

Leave a Comment