na SGS Philippines at SICPA-SA ay nakapag-marka ng 17.55 billion liters ng langis mula Setyembre 4, 2019 hanggang Disyembre 31, 2020.
Ito ay katumbas ng P147.78 bilyong piso at P23.94 bilyong duties and taxes na nakulekta sa ilalim ng Fuel Marking Program.
Para sa 2020 lamang, 15.69 billion liters ng langis ang namarkahan na may katumbas na P109.36 bilyong at P21.81 bilyong duties and taxes ang nakulekta ng BOC at BIR.
Ito ay nangungulugan ng pagtataas ng volume declarations sa gasolina, diesel at kerosene na naobserbahan sa pamamagitan ng implementasyon ng Fuel Marking Program.
Noong 2017 at 2018, ang kabuuang volume declarations ay 7.75 billion liters at 6.31 billion liters.
Lumalabas na katumbas nito sa duties and taxes collected ang Php26.88 billion at Php39.79 billion.
Noong 2019, ang kabuuang volume declaration ay nasa 11.16 billion liters na may pagtaas na 77 porsyento mula sa nakaraang taon.
Ito ay may katumbas na Php111.18 billion na may pagtaas na 179 porsyeno ng duties and taxes na nakulekta ng gobyerno.
Sa Diesel binubuo ng 61.54 porsyeno ng kabuuang volume marked, kasunod ng Gasolina na may 37.93 porsyento at Kerosene na may 0.53 porsyento.
Sa mga lugar naman, ay nakapagtala ng 74.08 porsyento sa Luzon, 20.92 porsyento sa Mindanao at 5 porsyento sa Visayas.
Simula ng first actual marking noong nakaraang Setyembre 2019, dalawamput dalawang (22) oil firms ang kasalukuyang isinasailalim sa marking para sa second year ng nasabing programa.
Ang Petron Corp. ang nananatiling may highest marked volume na may 4.03 billion liters ng fuel marked, kasunod ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na may 3.49 billion liters, Unioil Petroleum
Philippines, Inc. na may 1.84 billion liters, Seaoil Philippines, Inc. may 1.44 billion liters at Chevron Philippines, Inc. may 1.36 billion liters.
Ang iba pang kumpanyang nakiisa sa programa ay ang Phoenix Petroleum, Insular Oil, Total, Filoil, Jetti, PTT, Marubeni, Micro Dragon, Warbucks, Golden Share, High Glory Subic, ERA1, SL Harbor, Jadelink, SL Gas, Powerfill at Petrotrade.
Para naman sa 2021, ang BOC at BIR ay isinasaayos na ang implementasyon ng Field Testing phase ng programa na kabilang ang diesel, gasoline at kerosene na nasa retail stations, tank trucks, vessels, depots at warehouses ang isasailalim sa testing para sa pagsunod sa Fuel Marking Program.(Joel O. Amongo)
