PATAY ang isang 40-anyos na lalaking suspek sa panggagahasa makaraang pagbabarilin sa panulukan ng Pacheco at Madrid streets sa Tondo, Manila noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Rolando Delos Reyes, may live-in partner, naninirahan sa nasabing lugar.
Base sa ulat ni Det. Rodolfo Acosta III, ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-7:40 ng gabi nang pagbabarilin ng isa sa apat na mga suspek na pawang nakasakay sa motorsiklo, ang biktima sa naturang lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, noong Disyembre 17, 2020, nakulong si Delos Reyes dahil sa panggagahasa sa anak ng kanyang live-in partner.
Ngunit nakalaya umano si Delos Reyes makaraang magkaaregluhan sa kaso.
Ang agarang paglaya ni Delos Reyes sa kabila ng kaso ang hinihinalang motibo sa krimen. (RENE CRISOSTOMO)
126
