2 ADIK NA PARAK SINIBAK

MAKARAAN ang sorpresang random drug test na ipinatupad ni EPD Director Brig. Gen. Matthew Baccay sa 76 pulis sa buong Eastern Police District noong Enero 12, agad sinibak ang dalawa sa mga ito makaraang magpositibo sa nasabing pagsusuri.

Kinilala ang isinalang sa summary dismissal makaraang magpositibo sa confirmatory test, na sina Cpl. Regie Alilano ng Pasig City Police Sub-Station 6, at Pat. Arnel Agustin ng District Resource and Doctrine Development Office.

Binalaan ni Dir. Baccay ang kanyang mga tauhan na itigil na ang kanilang ilegal na gawain dahil tuloy-tuloy ang isasagawang surprise random testing bilang bahagi ng paglilinis sa kanilang hanay.

“The full force of the law will bear upon them, there is no place for drug addicts in the PNP,” ayon kay Brig. Gen. Baccay. (KNOTS ALFORTE)

95

Related posts

Leave a Comment