2 BABAE NIRATRAT SA VAN, 1 PATAY

LAGUNA – Hinarang saka pinagbabaril ang sinasakyang van ng dalawang babae na ikinamatay ng isa sa mga ito, nitong Biyernes sa harap ng isang eskwelahan sa Biñan City,

Kinilala ng hepe ng Biñan City Police na si P/Lt. Col. Vannie Martinez, ang mga biktimang sina Ernee Grace Marie Uberas Cabisag at Honey Lee Ronomeron Algara.

Base sa ulat ng Biñan City Police, bandang alas-6:40 ng gabi, binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Biñan National Highway at nang sumapit sa Sto. Tomas Elementary School sa Brgy. Sto. Tomas ay bigla na lamang sumulpot sa kanilang harapan ang ‘di kilalang mga lalaki.

Pinaulanan ng bala ng mga ito ang kanilang sinasakyang Nissan Navarra na may plakang NCU-8121.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek patungong Carmona, Cavite.

Agad dinala sa Carmona Hospital and Medical Center ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Cabisag habang nasa mabuti nang kondisyon si Algara.

Inaalam pa ng Biñan CPS ang posibleng motibo sa nangyaring krimen. (CYRILL QUILO)

144

Related posts

Leave a Comment