BANGKAY SA DRUM NATAGPUAN SA FARM

LAGUNA – Isa na namang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution, ang nadiskubreng nakasilid sa plastic drum sa bayan ng Mabitac sa lalawigang ito, noong Huwebes ng tanghali.

Batay sa report ng Mabitac Police, nadiskubre ng katiwala ng lupa ang bangkay ng biktima sa loob ng asul na drum na iniwan sa isang farm sa Manila East Road, Barangay San Miguel.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, iginapos ng t-shirt ang kamay ng biktima at may mga tama ng bala sa bibig, dibdib at likod.

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng pulang t-shirt na may numerong 17.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40-anyos ang biktima at may taas na humigit kumulang sa 5’10”.

Dinala na ang bangkay sa isang punerarya sa Famy, Laguna habang hinihintay na kilalanin ng kanyang mga kaanak.

Nababahala naman ang netizen sa Laguna dahil sa sunod-sunod na patayan na nagaganap sa probinsya kung saan nasa mahigit 20 na ang pinatay sa iba’t ibang pamamaraan mula noong nakaraang buwan lamang. (NILOU DEL CARMEN)

276

Related posts

Leave a Comment