TINIYAK ni Makati City Mayor Abby Binay na handa nang magpaturok ng anti-covid vaccines ang mga naninirahan sa Lungsod ng Makati sapagkat ang mga ito ay sayantipikong garantisado na makapupuksa ng nasabing sakit.
Ayon kay Binay, naglabas ng isang bilyong piso para sa vaccination program ang administrasyon ng nasabing lungsod para sa itinakdang bilang na mga residente ng Makati, mga hindi naninirahan sa lungsod at mga nagnenegosyo.
Ang Lungsod ng Makati ay bumili ng 42 refrigerators at freezers na pangmedikal upang masiguro ang efficiency at epekto ng mga bakuna.
“As we wait for the vaccines to arrive, the city government is preparing the vaccination sites, vaccine depots, and other logistic needs for cold chain management. I assure everyone that we are doing our best to achieve a 100 percent vaccination rate in Makati,” paliwanag ni Binay.
Nabanggit rin nito na kabilang sa makatatanggap ng bakuna ay ang medical frontliners at staff ng nasabing lungsod. (MARINHEL T. BADILLA)
163
