BILANG pakikiisa sa nakaugaliang paghahatid ng tulong ng kapulisan sa mahihirap na mga residente sa Metro Manila, nagbigay ng sako-sakong bigas ang isang foundation para sa mga ito.
Lingid sa karamihan, taon-taon ay naghahatid ng tulong ang PNP-National Regional Command mula sa mga private sector at kontribusyon na rin ng mga pulis para sa mga kapus-palad.
Ngayong taon, nagpadala ng isang trak na bigas ang Pitmaster Foundation bilang ambag sa charity drive ng NCRPO sa pangunguna ng kanilang hepe na si Maj. Gen. Vicente Danao.
Ani Pitmaster Foundation Executive Dir. Caroline Cruz hinggil sa nasabing donasyon, “ibinabalik lang po natin ang blessings sa mga kababayan natin na labis na nangangailangan”.
Personal na tinanggap ni NCRPO Chief Maj. Gen. Vicente Danao ang donasyon mula kay Atty. Caroline Cruz.
“Bukas po ang Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan anytime of the day,” dagdag pa ni Cruz na nagsabi ring’ “eto naman po ang vision ng aming chairman na si Mr. Charlie “Atong” Ang na laging tulungan ang mahihirap sa anomang aspeto”. (ESTONG REYES)
