MAXIMUM LEVEL SECURITY NI PBBM NANANATILI – PALASYO

MANANATILING nasa “maximum level” ang seguridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pagsabog malapit sa Department of Justice (DOJ), ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Sa isang ambush interview bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA), inilarawan ni Castro bilang “alarming” ang insidente.

“Yung operasyon na ‘yan, ibibigay ko na lamang sa security saka sa mga kapulisan at hindi ko pwedeng pangunahan kung anong mga balak nila. Pero siyempre kung ano man ang nangyayari dito, alarming ‘yun,” ani Castro.

Dagdag pa niya, “Kung wala namang mga Pilipino manggugulo, sana mas asensado na sana ang Pilipinas.”

Hindi pa matiyak ni Castro kung magkakaroon ng anumang pagbabago sa security arrangements ng Pangulo, ngunit iginiit niyang nananatiling nasa pinakamataas na antas ang seguridad ng Chief Executive.

“Kahit may pagsabog o walang pagsabog, dapat ang proteksyon sa Pangulo ay to the maximum level. Alam naman natin ‘yan,” diin ni Castro.

Nang tanungin kung nakababahala ang insidente, sinabi niyang hindi pa nila ito napag-uusapan ng Pangulo, ngunit dapat paigtingin ng mga awtoridad ang pagbabantay.

“Hindi kami nagkausap ng Pangulo but definitely, ‘yung mga kapulisan natin dapat mas matindi ang pag-iingat at seguridad,” aniya.

(CHRISTIAN DALE)

62

Related posts

Leave a Comment