NAPRANING SA ALAK SA SELDA ANG BAGSAK

KALABOSO ang isang lasing na 72-anyos na lolo makaraang magwala at maghamon ng away habang armado ng patalim sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RO 844 (breach of peace), RO 7498 (drunk and disorderly) at BP 6 (illegal possession of bladed and pointed weapon) ang suspek na si Sergio Jugo y Regunan, jobless, ng #1988 G. Perfecto St., Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Lorenzo III, station commander ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa panulukan ng G. Perfecto at Luzon streets, sakop ng Brgy. 157 sa Tondo.

Ayon kay Ernesto de Leon, Barangay Ex-O at Angelito Reyes, barangay tanod ng Brgy.157, bigla na lamang umanong nagwala ang lasing na suspek habang armado ng patalim at naghamon ng away.

Bunsod nito, tumawag sila sa himpilan ng pulisya at ipinaaresto ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

223

Related posts

Leave a Comment