NAGING sentro nang isinagawang selebrasyon ng 119th founding anniversary ng Bureau of Customs (BOC) ang temang “MAKABAGONG ADUANA, MATATAG NA EKONOMIYA”.
Ang okasyon ay isinagawa sa Office of the Commissioner Grounds, Bureau of Customs, Port Area, Manila na pinangunahan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at Undersecretary Antonette Tionko.
Kabilang sa mga naging highlights ng selebrasyon ay ang pagsira ng mga kumpiskadong mamahaling sasakyan.
Ang program proper ay kasama ng pagkilala sa Bureau’s top performing units pati na rin ang pagbibigay pugay sa Bureau’s donor-stakeholders.
Ang pagsira sa sampung (10) mga kumpiskadong sasakyan ay kinabibilangan ng isang (1) unit used Ford F-150 Super SVT Can Raptor Pick Up, 1-unit brand new 2015 Toyota Landcruiser, at 1-unit used 2007 Bentley Continental GT.
Ang mga ito ay nakumpiska ng Manila International Container Port (MICP) noong Agusto 2015, November 2017, at Enero 2019.
Bahagi rin ng programa ang pagsira ng lima pang (5) units ng used luxury vehicles na nakumpiska ng Port of Cebu noong 2019.
Kinabibilangan ng 1-unit Land Rover 2012, 1-unit Range Rover Evoque 2019, 1-unit Porsche 911 2019, 1-unit Mercedes Benz 2019, at 1-unit Alfa Romeo 2019.
Ang iba pang sinira ay ang 1-unit brand ng new Hyundai Starex at 1-unit used Renault Black Van na nasabat naman ng Port of Manila noong Pebrero 2020.
Ang pagwasak ng mga sasakyan na kung saan ay nagmula sa US, Belgium, Japan, at Korea ay isang babala sa lahat ng walang prinsipyong importers para matigil ang illegal importation ng vehicles.
Ang ikalawang highlight ng okasyon ay ang anniversary celebration proper na naging sentro sa pagkilala sa mga top performing ports at opisina para sa kanilang kontribusyon sa revenue generation at anti-smuggling efforts.
Kabilang sa mga awardees ay ang ports of Aparri, Cagayan De Oro, Cebu, Clark, Davao, Subic, Surigao, Tacloban and Zamboanga para sa kanilang outstanding performance noong 2020.
Kinilala naman sa kanilang pagsisikap laban sa smuggling ang Manila International Container Port (MICP), ang Port of Manila and the Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay para sa kanilang kontribusyon sa anti-smuggling ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), X-Ray Inspection Project (XIP), Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at ang Environment Protection and Compliance Division (EPCD).
ISO Certified na rin ang Ports at Offices maging ang Subport of Dumaguete and Port of Manila-Customer Care Center (CCC) na tumanggap din ng award sa nasabing okasyon.
Special na pagkilala naman ang ipinagkaloob sa Port of Cagayan de Oro para sa kanilang matagumpay na re-exportation ng illegal South Korean wastes.
Ang special awards ay ibinigay sa Public information and Assistance Division (PIAD) para sa kanilang ‘role in promoting transparency as well as in complying with the Freedom of Information (FOI), and to the Medical and Dental Division (MDD) para sa significant role in ensuring the safety of BOC personnel in the discharge of their functions amid the current health crisis’.
Sa pagtatapos, ang U.S. Embassy (USDEA and US INL), United Nations-World Food Programme (UN-WFP), Embassy of the People’s Republic of China, San Miguel Corporation, Synergy Sourcing & Development Group, Inc. at Singapore Diagnostics ay pinarangalan din para sa kanilang mahahalagang donasyon sa Bureau of Customs.
Bagamat ang 2020 ay mahirap at punong-puno ng pagsubok, subalit ang Bureau of Customs ay nananatiling matatag sa mahusay na paghahatid ng kanilang serbisyo patungo sa isang world-class customs administration sa pamamagitan ng pinagandang revenue collection, pinalakas na border protection, at pinahusay na kalakalan.
247 