AABOT ng 1.5 milyong piso o katumbas ng isang container ng hog casings ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) sa San Pascual, Batangas noong Pebrero 2, 2021.
Ang condemnation ay sinaksihan ni POM Auction and Cargo Disposal Division Chief Enrico Turingan III, at kinatawan mula sa Bureau of Animal Industry (DA-BAI), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Port Operations Service, Philippine Coast Guard (PCG), at Commission on Audit (COA).
Ang kalakal ay winasak sa pamamagitan ng shredding at pagsalin sa waste disposal facility ng Joncyr Enterprises, Inc.
Ang pagwasak ay naaayon sa mga probisyon ng Section 1145 (Disposition of Goods Injurious to Public Health) ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon kay POM District Collector Michael Angelo DC. Vargas, ang nasabing kondemnasyon ay nakumpleto para tiyakin na ang kalakal ay hindi na makakapaminsala para na rin sa kaligtasan ng publiko at kalusugan nila.
Ang aktibidad ay nakalinya sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero para maging free-up storage facilities ng abandunadong at illegally shipped items para na rin sa pagpapaganda ng kalakalan. (Joel O. Amongo)
