BABAE KALABOSO SA FAKE NEWS SA FB

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang pagkakaaresto sa isang babaeng nag-post sa kanyang Facebook account ng umano’y fake news, sa bisa ng warrant of arrest noong Pebrero 3, 2021 sa Quezon City.

Kinilala ni P/BGen. Macerin ang suspek na si Ma. Cecilia Angeles Raymundo na inaresto dahil sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Nauna rito, ang Quezon City District Anti-Cybercrime Team sa ilalim ng liderato ni P/Maj. Jacqueline Ta-a, ay isinampa ang nasabing kaso laban sa suspek makaraang makumpirma ang mga ebidensya, naberipika, naidokumento at naipresenta.

Napag-alaman na nag-ugat ang kaso mula sa PNP ACG IMPLAN hinggil sa pagbubuo ng Task Group against COVID-19 na umano’y naging dahilan ng fake news na nagsasabing ang QCDACT ay nagsasagawa umano ng social media exploitation.

Ngunit na-intercept umano ang nasabing mensahe na naka-post noong Abril 1, 2020 sa FB account ng isang nagngangalang “Macie Angeles” na kalaunan ay nakilalang si Ma. Cecilia Angeles Raymundo na nagsasabing nakatanggap siya ng P3,000 mula kay Mayor Joy Belmonte ng hygiene kit.

Sinabi rin umano ni Raymundo sa kanyang post na ang nasabing halaga ay ibibigay nang araw-araw.

“Araw-araw may 3k kada household at hygiene kit. Pwede na! Mayor wala ka naman sigurong sakit noh?” ayon umano sa post ng suspek. (JOEL O. AMONGO)

271

Related posts

Leave a Comment