KAWANI NG CALOOCAN BPLO SIBAK SA EXTORTION

SINIBAK sa serbisyo ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang job-order worker makaraang madakip sa umano’y extortion sa ikinasang entrapment operation ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kinilala ang suspek na si Vince Noveno, empleyado ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), na inireklamo ng extortion ng isang ice plant sa lungsod.

Isinagawa ang entrapment operation ng NBI habang nasa trabaho si Noveno sa North City Hall.

“Hindi natin kukunsintihin ang anumang maling gawain ng ating mga kawani. Dapat makulong at matanggal sa serbisyo ang mga lingkod-bayan na mapapatunayang gumawa ng labag sa batas,” ani Malapitan.

“Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan tayo sa NBI para malaman ang ibang detalye tungkol dito. Tinitiyak ko rin na makikipagtulungan tayo sa NBI para masampahan ng kaso ang nahuling kawani,” paliwanag pa ng punong-lungsod. (ALAIN AJERO)

116

Related posts

Leave a Comment