P20-M MARIJUANA NASAMSAM NG PNP, PDEA

TINATAYANG aabot sa halos P20 milyong halaga ng bulto-bultong dried marijuana ang nasamsam sa ikinasang joint anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Concepcion, Tarlac noong nakalipas na linggo, ayon sa ulat ni PDEA spokesman, Director Derrick Carreon.

Sa isinumiteng ulat kina PDEA Director General Wilkins Villaueva at PNP chief, P/General Debld Sinas, anim na drug suspect na kinilalang sina Marlon Miranda, 34; Joey Palaeyan, 33; Preddie Letta, 35; Carl Andrei Maico, 22; Via Jean Ortiga, 19, at Lorraine Fulgencio, 23-anyos, ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation.

Ayon kay Police Brig. Gen. Valeriano De Leon ng PNP-Region 3, unang nahuli sina Miranda at Palaeyan matapos magbenta sa isang poseur buyer ng 25 bricks ng hinihinalang dried marijuana leaves na tinatayang P3 milyon ang halaga.

Naaresto naman ang apat na iba pa habang nakikipagtransaksyon ang mga pulis sa mga suspek.

Ang mga drug suspect ay pinaniniwalaang nag-o-operate ng drug transactions sa Northern at Central Luzon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 158 bricks o 158 kilo ng hinihinalang dried marijuana leaves, hiwalay na limang hinihinalang dried marijuana leaves na may fruiting tops na nagkakahalaga ng P600,000, limang pirasong P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money kasama ang 145 pirasong boodle money, isang cellphone, isang unit ng Toyota Altis na may plakang BTK777, isang Vivo cellphone, at 100 rounds ng 5.56 ammunition.

Pinapurihan ni Sinas ang joint operatives ng PNP at PDEA kasabay ng pahayag na “Recent accomplishments against drug syndicates manifest the responsiveness of PNP units to the the national government’s campaign against illegal drugs and criminality.”

Noong nakaraang Huwebes ng umaga, nang ikasa ang bigtime buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group, Provincial Drug Enforcement Unit ng Tarlac PPO at Concepcion Municipal Police Station, katuwang ang PDEA Tarlac, sa bahagi ng San Francisco sa bayan ng Capas.

Dinala ang naarestong drug suspects at nasabat na P18.96 milyong halaga ng marijuana sa PNP Provincial Drug Enforcement Unit habang inaayos ang isasampang mga kaso laban sa mga ito. (JESSE KABEL)

230

Related posts

Leave a Comment