BINATILYO PATAY SA SALPUKAN NG JEEP AT MOTOR

CAVITE – Namatay noon din ang isang 17-anyos na binatilyo nang magsalpukan ang isang pampasaherong jeepney at motorsiklo kung saan naka-angkas ang biktima sa Bacoor City, sa lalawigang ito.

Kinilala ang namatay na si Toto Miranda, habang isinugod sa Philippine General Hospital ang driver ng motorsiklong Honda TMX na si Kiko Malabega, kapwa residente ng Progressive 15, Brgy, Molino 2, Bacoor City.

Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DBY 572, na si Antonio Diacamus, 31-anyos.

Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asis ng Bacoor City Police, dakong alas-12:15 nitong Sabado ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Binabagtas ng mga biktima na lulan ng motorsiklo ang kahabaan ng Molino Paliparan Road, Brgy. Molino 2 ng naturang lungsod ngunit pagsapit sa harapan ng RFC Molino branch nang tangkain ni Malabega na okupahan ang kabilang linya ng kalsada.

Dahil dito, tinangka naman ni Diacamus na iiwas ang minamanehong jeepney ngunit nagpang-abot at nagsalpukan ang dalawang sasakyan na nagresulta sa agarang kamatayan ni Miranda na nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ni Malabega.

Sugatan namang isinugod sa ospital si Malabenga. (SIGFRED ADSUARA)

123

Related posts

Leave a Comment