EX-CONVICT NILIKIDA NG TANDEM

NORTH COTABATO – Patay ang isang ex-convict m/atapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Purok Magsaysay, Brgy. Rotonda, Koronadal City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Renato Lavapiez, 35-anyos, single at residente ng Purok Pantalan, Bo. 5, Koronadal City.

Ayon sa ilang residente sa lugar, bumisita lamang sa kanyang mga kamag-anak ang biktima.

Sakay ng hindi pa natukoy na motorsiklo ang mga suspek na nakasuot ng bonnet nang isagawa ang krimen, alas-2:00 ng hapon nitong Biyernes.

Napag-alaman na nakulong na noong 1992 hanggang 1997 ang biktima sa kasong murder.

Ayon sa kapatid nito na si Rodney, nawawala umano ang bag at jacket ni Lavapiez.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa panibagong insidente ng pamamaril sa lungsod ng Koronadal. (BONG PAULO)

114

Related posts

Leave a Comment