COVID-19 VACCINATION BILL IPAPASA NG SENADO NGAYONG LINGGO

KUMPIYANSA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na maipapasa na nila ngayong araw (Lunes) ang Senate Bill 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga lokal na pamahalaan at maging ang mga manufacturer sa pagsupply ng bakuna sa bansa.

Sinabi ni Zubiri na dahil certified as urgent ang panukala, maaari nilang tapusin ang approval nito hanggang 3rd reading sa loob ng isang araw.

“Actually priority po namin yan, by tommorrow (Lunes), first hour ‘yan ang ita-tackle namin at wala na po ako ibang agenda na ilalagay para matapos namin. Ang plano namin ma-2nd reading na po namin, konti na lang ang mag-iinterpellate, Ibelieve tatlong senador na lang ang magtatanong and then amendments na tayo then 2nd reading. Sya po ay certify as urgent ng Pangulo ay ipapasa din natin on 3rd reading bukas ng gabi,” saad ni Zubiri.

“Hopefully maisa-submit namin yan sa Kongreso para ma-adapt na rin po para mapabilis ang proseso at pag nangyari po yun ay magiging batas na po sya ipapadala namin kay pres duterte tom evening, or tuesday the latest,” diin pa nito.

Layun ng panukala na payagan ang mga lokal na pamahalaan na magbayad ng down payment sa pagbili ng bakuna bukod pa sa pagpasok sa negotiated bidding.

Nakasaad din sa panukala ang paglalan ng P500 milyon na indemnification fund para sa pagpapagamot sa mga mababakunahan na magkakaroon ng adverse effect o malalang side effects.

Batay din sa panukala, walang magiging pananagutan ang manufacturer ng bakuna kung magkaroon ito ng side effects. (DANG SAMSON-GARCIA)

96

Related posts

Leave a Comment