NBI PASOK SA QCPD-PDEA SHOOTOUT PROBE

UMABOT sa 20 tauhan mula sa iba’t ibang unit ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kabilang sa magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring mis-encounter sa pagitan ng District Special Operation Unit ng Quezon City Police District at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kamakailan.

Ito ang napag-alaman mula kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin makaraang suyurin ang lugar na pinangyarihan ng insidente sa nabanggit na lugar.

Mayroong hawak na tatlong testigo ang NBI at kinumpiska ang lahat ng cellphone ng mga pulis at PDEA agents para makita ang huli nilang transaksiyon.

“It is a priority case, lalo na’t tayo ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-imbestiga sa kaso,” pahayag ni Atty. Lavin.

Tiniyak naman nito na kaagad tatapusin ng NBI ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Posible ring magbigay ng rekomendasyon ang NBI sa kanilang imbestigasyon.

Napag-alaman, binigyan ng direktiba ni NBI Director Eric Distor ang mga imbestigador na tingnan ang lahat ng mga anggulo ng nasabing insidente na ikinamatay ng dalawang tauhan ng DSOU at isang ahente ng PDEA at isa umanong ‘asset’. (RENE CRISOSTOMO)

 

288

Related posts

Leave a Comment