‘DOKTORA’ TIKLO SA P.2-M SHABU

NADAKIP ang isang “doktora” nang makumpiskahan ng P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City makaraang tumakbo nang tangkain ng mga pulis na paalalahanan ito na magsuot ng facemask.

Kinilala ang suspek na si Janice Espiritu y De Guzman, 37, dalaga, istambay, ng Hosea St., Gen. Malvar, Bagong Barrio, Brgy. 143, Caloocan City, nadakip dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Magaling St., Brgy. 145 sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, napuna ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad, ang suspek na may dalang medicine kit at tila nagmamadali ngunit walang suot na face mask.

Sa pag-aakalang kapwa “frontliner”, paaalalahanan sana ng mga parak ang “doktora” na magsuot ng facemask ngunit laking-gulat nila nang biglang tumakbo ito.

Tinugis ng mga pulis ang suspek at nang kapkapan at suriin ang dala nitong medicine kit ay natuklasang naglalaman ito ng anim na sachet ng shabu na tumitimbang ng 30 gramo at nagkakahalaga ng P204,000 kaya’t binitbit si Espritu sa presinto. (ALAIN AJERO)

 

213

Related posts

Leave a Comment