HOUSE HEALTH PANEL CHAIR SUMALANG SA PAGPAPABAKUNA

UPANG maipakita ang suporta sa vaccination program ng pamahalaan, sumalang si Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, chairperson ng Committee on Health sa mababang kapulungan ng Kongreso, sa pagpapabakuna ng Sinovac mula sa China-based Sinovac Biotech Limited.

Dalawang araw matapos dumating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac na donasyon ng China, nagpaturok ang mambabatas sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) gamit ang alokasyon sa kanilang pamilya ng anak na surgeon sa nasabing ospital.

“Huwag tayong matakot magpabakuna, protektahan natin ang isa’t isa upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemya,” pahayag ni Tan matapos siyang mabakunahan. “Let’s support the government’s vaccination program and help stop the COVID-19 pandemic,” aniya pa.

Nauna rito, tinalakay ng komite ni Tan ang COVID-19 vaccine rollout kung saan binigyan-diin niya na kinakailangan ang mabilis ngunit siguradong ligtas na pagbabakuna upang makuha ang tiwala ng publiko..

112

Related posts

Leave a Comment