MISTULANG sinansala ng ehekutibo ang plano ng lehislatura na magsagawa ng legislative Inquiry kaugnay ng nangyaring shootout o “misencounter”sa pagitan ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Philippine drug enforcement agency PDEA sa lungsod Quezon.
Gusto ba ninyong mapahiya? Sige tuloy nyo lang ang pagpapel sa nangyaring shootout sa lungsod Quezon.
Hindi ko po sinasabing “EPAL” ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ha? Mayroon lang kasing ilan dyan na gustong sumakay sa nangyaring diumanoy “misencounter”sa pagitan ng QC Police at Philippine drug enforcement agency (PDEA).
Bakit kaya sila ganyan ala pa man lang natatapos na imbestigasyon kaagad ay pumoporma na sila upang imbestigahan daw ang naturang insidente? Iyon ba talaga ang motibo? “Diko po alam”!?
Mayroon ding kaagad hinusgahan ang drug war ng Duterte administration. Ang sabi ay failure raw! Mayroon lang ganoong pangyayari failure kaagad sobra naman ang panghuhusga ninyo?!
Tanong ko lang po sa lahat, nang dahil ba sa mayroong hindi magandang nangyari sa nasasakupan mo failure na kaagad ang pananaw o hatol ninyo sa programa o adhikain ng isang lider?
Sa halip na maghintay kayo ng kalalabasan ng imbestigasyon ay hinatulan na ninyo kaagad ang isang programa ng dahil lamang sa isang insidente?!
Ilan naman sa mga mambabatas ‘di ko po sinasabing EPAL sila ha? O kulang sa pansin ha? kundi hinay-hinay lang po ala pa pong kongkretong investigation report kaugnay ng naturang insidente. Ipinipilit ninyo na kaagad na makapagsagawa ng legislative inquiry ang inyong hanay! Hay nako! Nako! Nako!!!
Pero talagang may ulong dapat gumulong sa naturang shootout. Ito ay sa oras na mapatunayan ng NBI o National Bureau of Investigation.
Ang NBI lamang ang binigyan ng go signal ng Pangulong Digong na mag-imbestiga sa diumanoy “misencounter”.
Dapat sibakin na kaagad at kasuhan ng kasong kriminal ang sinumang opisyal na mapapatunayang mayroong pagkukulang sa nangyaring insidente.
Samantala habang isinusulat ko ang kolum kong ito ay nakatanggap ako ng isang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source sa Court of Appeals, kung saan sinasabi nito na pinagbigyan ng CA ang petition ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
Kaugnay ito sa kinakaharap niyang kasong rebellion makaraang katigan ng court of appeals 6th Division ang kahilingan ni Trillanes na mapawalang bisa ang naging decision ni Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda na inisyu nuong September 25, 2018 at December 18, 2018.
Sinabi pa ng source na kaya kinatigan ng CA ang petition ni Trillanes ay dahil sa kawalan ng hearing at hindi rin daw yon ang proper venue upang dinggin ang kaso laban sa dating sundalo at senador.
Nabuhay ang kasong rebellion ni Trillanes nang bawiin ni Pangulong Duterte noong 2018 ang ipinagkaloob na amnestiya ng dating administrasyon kay Trillanes dahil sa umanoy ilang mga paglabag,
Si Trillanes ay kinasuhan ng rebellion makarang sapilitan nitong okupahin ang Oakwood Hotel sa Makati City noong 2003 at ang Manila Peninsula Hotel noong 2007, noong siya ay isa pang Navy officer, kung saan kasama nito ang mga sundalong tinaguriang mga Magdalo.
107
