BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at ng Philippine Drug Enforcement agency (PDEA), ang isang tomboy at kasabwat nito, sa isinagawang buy-bust operation sa Paco, Manila, iniulat ng pulisya nitong Lunes.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng District Drug Enforcement Unit ng MPD ang mga suspek na sina Marife Bunaga, alyas Tomboy, 37; at Roberto de la Cruz, 46, kapwa residente ng Paco, Maynila.
Batay sa ulat ni P/Major Dionelle Brannon, hepe ng DDEU-MPD, nagsagawa ng buy-bust operation sa target na si “Tibo” sa bahay nito bandang alas-8:30 ng gabi noong Sabado.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat na medium heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu at 6 pang maliliit na sachet na naglalaman din ng shabu na tumitimbang ng 36 gramo at may street value na P244,800, at P200. marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)1
177
