Lawyers group naalarma 61 ABOGADO PINATAY

INIHAYAG ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na delikado ang buhay ng mga abogado sa bansa dahil 61 sa kanilang hanay ang biktima ng extra judicial killings (EJK) sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa bilang na ito, 26 ang mayroong kaugnayan sa hinahawakan nilang mga kaso, habang 15 ang namatay dahil sa hawak nilang kasong droga, ayon sa FLAG.

Ang 12 iba pang inutas ay personal ang motibo at 15 ang hindi matukoy ang eksaktong dahilan.

Ipinakikita ng datos na mayroong 12 abogado ang pinapatay kada taon sa termino ni Pangulong Duterte.

“The fact that almost half of the killings were due to work-related or possibly work-related motives, is an indicator of the growing danger of practicing the legal profession in the country,” saad ng FLAG.

Inamin ng FLAG, ang mga abogadong namatay na konektado sa ilegal na droga ang motibo ng paglikida sa kanila, ay ang mga abogadong tagapagtanggol ng kanilang kliyente sa korte, o sila mismo ang direktang sangkot sa krimen.

Wala pang nalulutas ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa serye ng pagpaslang sa mga abogado simula noong 2016.

Naglabas ng memorandum si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, ilang buwan na ang nakalipas, hinggil sa nakatatakot nang kalagayan ng mga abogado sa bansa, na ang layunin ay lutasin ang “growing concern” sa pagpatay sa mga abogado at hukom.

Ngunit wala pang desisyon ng pinakamataas na korte sa bansa hinggil dito, samantalang magreretiro na si Peralta sa Marso 27.

Nagsimulang imbestigahan ng Senado ang krimen noong Enero upang makapagbalangkas sinuman sa mga senador, ng panukalang batas bilang sandata ng mga abogado sa mga nagpapatay sa kanila at sa inupahang mga mamamatay-tao.

Sa nasabing imbestigasyon, idiniin ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Domingo Cayosa, negatibo ang mensahe ng pagpaslang sa maraming abogado sa mamamayan dahil posibleng mawalan sila ng tiwala sa criminal justice system ng bansa.

Ipinunto ng FLAG, posibleng tumaas pa ang 61 biktima sa susunod na mga buwan dahil kumbinsido ang nasabing organisasyon na ang EJK sa mga abogado ay “growing danger”. (NELSON S. BADILLA)

144

Related posts

Leave a Comment