MAGPAPATUPAD ng mas mahigpit na health protocols ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon matapos na makapagtala ng 200% na pagtaas ng COVID-19 cases sa loob lamang ng isang buwan.
Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa virtual press conference, upang mapagtuunan ng pansin ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa siyudad.
Ito ay matapos na iulat ng City Health Department (CHD) na ang siyudad ay nakapagtala ng 190% na pagtaas ng bagong COVID-19 cases per day, o 218 cases sa pagitan ng Marso 2 at 8 mula sa 75 cases na naitala mula sa parehong Linggo noong nakaraang buwan.
“I call this a surge. I believe this demands stricter restrictions from the higher government. The local government hasn’t received any guidelines, but if we are given clearance to proceed, we, in QC, would like to implement added restrictions,” ani Belmonte.
Base sa data mula sa CHD, lumalabas na ang hawaan ng virus ay pinakalaganap sa pamilya na may 28%, kasunod ang community o kapitbahay na may 16% at sa trabaho na may 11%.
Kasabay nito, nagsimula na rin ang city government sa kanilang konsultasyon sa mga barangay, commercial establishments at simbahan upang makakuha ng mga suhestiyon para sa karagdagang paghihigpit na ipatutupad.
“As the Lenten Season approaches, we will be meeting with the Bishops of Novaliches and Cubao so that together we can come up with solutions to avert further increases in numbers,” dagdag pa ni Belmonte.
Kaugnay naman sa katanungan na may kinalaman sa mga negosyo sa siyudad, sinabi ni Belmonte, ang anuman nilang paghihigpit na ipinatutupad ay nakabase sa data na nakulekta ng kanilang health department.
“We are also mulling lessening capacities of establishments and churches for maybe two weeks should this be acceptable to all stakeholders as well, just to slow the spread. We cannot afford to sacrifice sources of income when the data doesn’t warrant it yet. The current data tells us that transmission is much higher in households and communities so we will address that first. We will put restrictions in the right places,” aniya pa. (JOEL O. AMONGO)
