WORKPLACES BABANTAYAN DIN SA HEALTH PROTOCOLS

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na palakasin ang pagpapatupad sa minimum public health protocols gaya ng patuloy na paggamit ng face mask, faceshield, hugas at iwas kahit sa mga opisina.

Kinakailangan din, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa COVID-19.

Para naman aniya sa mga establisimyento, iniutos ang pagpapatupad ng mga risk mitigation, strategies, engineering controls, ventilation at contact tracing at pagtiyak sa compliance at sa pagtatag ng baseline.

Sa mga Local Government Unit (LGU) naman ay kinakailangan ipatupad ang COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic or CODE sa pamamagitan ng pinalakas na mobilisasyon ng barangay health emergency response team.

Kasama rin aniya sa CODE ang pagmo-monitor sa mga workplace at iba pang closed settings tungkol sa kanilang case data at pagsunod sa minimum public health standards.

Idagdag pa ang pagtiyak na tamang handover sa LGUs ng mga returning overseas Filipinos at mga papasok na international travelers para masiguro ang pagsunod at makumpleto ang quarantine or isolation.

Inaprubahan din ani Sec. Roque ng IATF ang rekomendasyon na payagan ang Subic Bay Metropolitan Authority na muling tumanggap ng lahat ng klase ng vessels para sa hot-warm layup bilang bahagi ng kanilang function na crew change hub.

At para magbigay-linaw ay ipatutupad aniya ang StaySafe.ph. (CHRISTIAN DALE)

209

Related posts

Leave a Comment