BISTADOR, TINANGKANG SUHULAN NG CLOUD TRAVEL

NOONG nakaraang Biyernes isang tawag ang aking natanggap mula sa isang kasama ko sa hanapbuhay na mayroon daw ipinabibigay na regalo sa akin ang Cloud Travel Agency.

Kaya’t ako’y napaisip kung buwan na ba ng Agosto na aking birthday o kaya ay Pasko na ba? Bakit kaya ako pinadalhan ng regalo ng may-ari ng Cloud Travel na sina Peter at Sharon?

Nang aking alamin kung ano ang regalo na ipinadala sa akin ay isang sobre daw na naglalaman ng 50 thousand pesos. Para saan kaya ang 50k para akoy manahimik?

Sorry ka Peter kung akala mo lahat ng miyembro ng media ay kaya mong tapalan ng pera ay  agkaka-mali ka.

Para sa patas na pamamahayag ay binigyan kita ng pagkakataon na ibigay ang iyong side ngunit imbes na sagot sa isyu ay sobre na naglalaman ng pera ang iyong pinadala.

Hindi ko masisi ang kasama ko sa hanap buhay dahil napag-utusan lamang ito.

Matatandaang dalawang magkasunod na pambibisto ng Bistador ang ating isinulat laban sa Cloud Travel kung saan ay inaakusahan ang agency na nasa likod umano ng tangkang pag-pasok sana sa bansa ng isang Chinese national na peke ang dokumento.

Dahil dito ay ilang mga immigration officers mula sa NAIA ang nagparating sa akin ng kanilang concern sa BI matapos malugmok ang ahensya sa napulitikang Pastillas scheme at nais lamang mabago ang imahe laban sa mga sindikatong nasa likod ng mga nam-bibiktima ng mga dayuhan at kung nais mong malaman Peter kung sino ang source ko sa airport ay itanung mo kay Ninoy Aquino.

Hindi po tayo magtataka kung bakit sa kabila ng pagkakasangkot ng Cloud Travel Agency sa pamemeke diumano ng government documents ay hindi ito kinasuhan ng Travel Control Enforcement Unit ng BI.

Dahil umano sa pagiging galante nitong si Peter kapag mayroong okasyon kagaya ng Pasko ay nagpapadala ito ng ibat ibang appliances kagaya ng mamahaling mga branded TV ang ibinibigay nito kapag Christmas Party ng ahensya.

Kaya naman pala noong huling Christmas party ng dalawang Division Head ng BI ay nagmistulang appliances store ang dalawang tanggapan na ito na napakaraming malalaking TV na pinaka mahina ang 50 inches.

TCEU kaya pala hindi nyo kinasuhan? Alam na this!

Attention Commissioner Jaime Morente, pagkakataon mo na ito upang linisin ang iyong ahensya. Imbestigahan mo na rin kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay bakit sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkakadawit ng Cloud Travel sa mga pekeng dokumento ay tuloy pa rin silang nakakapag-transact ng mga papeles sa inyong mga Satellite Office ng BI kagaya ng SM Aura, SM Makati ,SM North at iba pang branches.

Para sa inyong sum-bong at reaksyon maaari ninyo akong itext sa 09158888410.

138

Related posts

Leave a Comment