P20.4-M BAYAD-PINSALA SA 890 HOG RAISERS

UMABOT na sa halagang P20.410 milyon ang naipagkaloob ng Department of Agriculture bilang bayad-pinsala sa halos 890 magbababoy noong Marso 10-12, 2021 makaraang maapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa mga lalawigan ng Quezon at Cavite.

Katumbas ng halagang P5,000 kada baboy na isinusuko sa kagawaran, ang ibinabayad ng kagawaran sa mga magbababoy upang makabangong muli mula sa pinsala ng ASF.

Ayon kay Regional Livestock program coordinator, Dr. Jerome G. Cuasay, ang programang ito ay makatutulong upang mapalakas muli ang pag-aalaga ng baboy sa rehiyon.

“Ang kagawaran ay namamahagi rin ng iba’t ibang alternative livelihood programs para sa mga naapektuhan ng ASF gaya ng baka, kalabaw, kambing, broiler at free-range chicken, quail at mushroom production modules,” dagdag pa ni Dr. Cuasay.

Mula nitong ikalawang linggo ng Marso, nakatanggap na ng bayad-pinsala ang mga magbababoy mula sa mga bayan ng San Francisco, General Luna, Macalelon, Pitogo, Mauban at Pagbilao sa Quezon, at munisipalidad ng Magallanes at Alfonso sa Cavite, at ang ilang bayan sa CALABARZON. (CYRILL QUILO)

304

Related posts

Leave a Comment