BATANGAS – Nilaslas sa braso ang isang lalaki habang umiinom ng softdrinks nang hindi kumasa sa hamong suntukan ng suspek sa harap ng isang tindahan noong Linggo ng gabi sa Brgy. Cahigan sa bayan ng Rosario.
Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Noli de Castro y Oftial habang ang suspek naman ay natukoy na si Eddy Marasigan y Rosales.
Ayon sa ulat ng pulisya, umiinom ng softdrinks sa harap ng tindahan sa Brgy. Cahigam ang biktima nang biglang dumating ang suspek na si Marasigan at hinamon ito ng suntukan.
Nang hindi patulan ng biktima ay dali-daling hinugot ng suspek ang itak sa kanyang tagiliran at nilaslas sa braso si De Castro.
Agad na isinugod ng mga saksi sa insidente ang biktima sa ospital habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na mabilis na tumakas. (CYRILL QUILO)
411 