DOCTOR, 6 WANTED ARESTADO SA QC

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo P. Macerin, ang pagkakadakip sa isang doctor at anim pang wanted persons, sa bisa ng warrant of arrest, sa ikinasag anti-criminality operations ng mga awtoridad noong Marso 16, 2021 sa nabanggit na lungsod.

Kabilang sa mga ito ang naaresto ng mga tauhan ng Cubao Police Station (PS-7), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Ma. Edna Catilogo, na kinilalang sina Joan Mariano, 26, at Dely Durado, 51, dahil sa kasong paglabag sa Article 153 Paragraph 1 ng RPC, at malicious mischief.

Arestado naman sa mga operatiba ng Anonas Police Station (PS-9) si Vicente Cruz Jr., 44, dahil sa kasong unjust vexation.

Nahuli rin ng Kamuning Police Station (PS-10) ang suspek na si Clor Borja, doctor of Philosophy (Ph.D), 60-anyos, dahil sa kasong paglabag sa RA 9268 o The Philippine Veterinary Medicine Act of 2004.

Tiklo sa Crime Investigation Section-Warrant and Subpoena Section (CIS-WSS), sa pamumuno ni P/Maj. Elmer Monsalve, sina Dion Joebert del Rosario, 23, at Joel Bernal Jr., 19, dahil sa kasong slight physical injuries at maltreatment.

Nadakip naman ng CIS-WSS operatives si Rona Bauzon, 30, dahil sa kasong estafa. (JOEL O. AMONGO)

239

Related posts

Leave a Comment