Kapag tumanggi sa swab test MANILA VENDORS HINDI MAKAPAGTITINDA

NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa stall holders o mga vendor na hindi papayagang magtinda ang mga ito kapag tumanggi sa ipatutupad na regular mandatory swab testing na isasagawa ng mga tauhan ng Manila Health Department.

Sa 17 palengke sa Lungsod ng Maynila, mahigpit ang babala ng alkalde matapos makatanggap ng ulat na may 39 na nagpositibo sa COVID-19 sa Arranque Market sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila kamakailan.

Nagpahayag ng pagkainis at pagkadismaya ang alkalde nang malamang may mga vendor na tumangging ma-swab test sa hindi malamang dahilan kahit libre naman ito.

Sa kasalukuyan ay nasa 90,799 indibidwal na ang na-swab nang libre ng pamahalaang lungsod.

Simula nang manalasa ang pandemya, ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nag-alok ng libreng swab test kahit sa mga hindi residente ng lungsod.

“Di ko kayo makuha sa diplomasya… We will have to cancel your privilege to vend inside our public markets ‘pag hindi kayo nag-submit sa testing, dahil obligasyon ko sa pangkalahatan na protektahan ang mga mamimili which is napakarami,” paliwanag ni Moreno.

Sinabi pa nito na tungkulin nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna- Pangan na pawiin ang pangamba ng publiko na kapag pumunta sila ng palengke ay tiwala sila na ang mga nagtitinda at kausap nila ay hindi virus carriers.

Samantala, labis namang ikinalungkot ng alkalde na simula noong Martes ng hapon ang occupancy rate ng quarantine facilities sa lungsod ay umabot na sa 81 porsyento.

Sa kabuuang 539 total bed capacity, 438 dito ay okupado. (RENE CRISOSTOMO)

340

Related posts

Leave a Comment