KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan magkaroon ng Bayanihan 3 sakali’t mapilitan ang gobyerno na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine classification.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kaakibat kasi ng mas mahigpit na quarantine protocol ay pagsasara ng mga negosyo at otomatikong kawalan ng trabaho ng nakararami kaya ang resulta, gutom sa maraming pamilya.
Kung sarado aniya ang ekonomiya ay dito dapat pumasok ang ayuda ng gobyerno sa pamamagitan ng Kongreso para sa ikatlong Bayanihan.
Sa kasalukuyan ay walang probisyon para sa ayuda dahil ito ay nasa Bayanihan 1 pa.
Ani Sec. Roque, huling baraha na ang nationwide lockdown dahil hindi na aniya talaga kakayanin pang muling magsara ang komersiyo lalo’t marami na ang mga gutom na Pilipino. (CHRISTIAN DALE)
