ILANG NEGOSYO SUSPENDIDO

BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) mula Marso 19 hanggang Abril 4.

Una na rito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ang pansamantalang pagsuspinde sa operasyon ng driving schools, traditional cinemas, videos at interactive game arcades, mga silid-aklatan o mga library, archives, museums at cultural events, limitadong social events at sa mga accredited establishment na inaprubahan ng Department of Tourism (DoT) at limited tourist attractions maliban sa open-air tourist attractions.

Ang pangalawa naman aniya ay magiging limitado sa essential business gatherings at 30 percent venue capacity ang mga meeting, incentives, conferences at exhibitions events.

Ang pangatlo ay kailangan mag-observe ng maximum 30 percent ng venue capacity nang walang pagtutol o objection mula sa lokal na pamahalaan ang mga religious gathering.

Pang-apat ay binabawasan ang venue capacity ng mga dine-in restaurant, cafes, personal care services sa maximum 50 percent capacity.

Habang ang panglima ay hinihiyakat ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan na ipagpaliban ang non-critical activities kung saan magkakaroon ng mga pagpupulong-pulong o mass gatherings.

Bukod dito ay sinususpinde ang mga operasyon ng sabong at sabungan.

Samantala, inaprubahan din ang tinatawag na rekomendasyon ng National Task Force against COVID-19 Task Force Group Recovery Cluster on the Priority Groups A4 the National Covid-19 Vaccine Deployment Plan na nakabase sa “necessity of the service provided for the public at level of exposure.” (CHRISTIAN DALE)

287

Related posts

Leave a Comment