SPEECHLESS na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang madagdagan ng 7,103 ang nagpositibo sa virus nitong Biyernes.
“I’m speechless. Whats going on? Whats happening to our country?” mensahe ni Sotto.
Kasabay nito, sinabi ni Sotto na kailangan nang ilabas ng executive department ang lahat ng kanilang kagalingan upang maaksyunan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso.
“Lahat ng galing ng Executive deparment ay ngayon nila ilabas at gamitin. Hindi ko na alam ang sasabihin,” diin pa ni Sotto.
Samantala, discriminatory na itinuturing ni Sotto ang pagbalangkas ng Department of Health ng bagong kautusan na magbabawal umano sa mga tobacco, beer, soda at infant milk companies na makipag-partner sa gobyerno sa pagbili at pagdo-donate ng bakuna.
“Yes, it is discriminatory! Our people need all the help thay can get and yet they are preventing it by that absurd policy?” diin pa ni Sotto.(DANG SAMSON-GARCIA)
